Header

Open Letter to President Gloria Macapagal-Arroyo

Bilang pagsuporta sa napakahalagang panawagin na ito ay nakikiisa kami sa panawagang maipasa na ang Anti-Child Pornograpgy Bill No. 684. Ang panawagan pong ito ay mula kay Fr. Shay at sa Preda team:

At no time in the history of the Philippines has there been a greater opportunity for the President to act decisively to protect Filipino children at grave risk than the present historical moment. Thousands of Filipino children are damaged for life when abused in the making of child pornography.


Eto po ang kabuuang panawagan:

July 2009

Dear Madame President,


At no time in the history of the Philippines has there been a greater opportunity for the President to act decisively to protect Filipino children at grave risk than the present historical moment. Thousands of Filipino children are damaged for life when abused in the making of child pornography.

The abuse continues when the images of the sexually abused children are spread around the world through the Internet and are available on the streets of the Philippines for all to purchase with impunity. They are shown to other children as training videos to seduce them into becoming Commercially Sexually Exploited Children and they too are abused and damaged for life.

By immediately certifying as "urgent " the anti-child pornography bill pending before the House of Representatives, House Bill No.684 entitled "An Act Defining the Crime of Child Pornography, Imposing Penalties Thereof, and for Other Purposes" you will save thousands of children for years to come.

The Philippines needs this law urgently to protect children and to fulfill the nations international obligations under the Convention on the Rights of the Child and other international protocols undertaken by the State on behalf of the Filipino People.

The passing of House Bill No.684 at your behest will be a proud historical legacy and provide protection for children for future generations.

We the concerned citizens, representatives of agencies and organizations working for the protection of the dignity of the Filipino people and the rights of the child strongly appeal for you to act and announce the bill as an urgent priority.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Invitation to a National Conference on Ensuring Successful Automation in 2010

Tara Na! Makiisa! Makitalakay! ... para sa isang matagumpay na Poll Automation sa 2010... Punta na tayo sa National Conference on Ensuring Successful Automation in 2010.

Photobucket
CLICK ON IMAGE TO ENLARGE



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Naiinis Ako! Badtip ang mga Paaralan!

Naaalala ko noong high school ako noong mapatalsik namin ang principal ng aming paaralan dahil na rin sa mga hindi makatwirang patakaran na kung saan apektado ang mga estudyante. Ngayon, ay nararamdaman ko ang pagka-inis sa paaralang pinag-aaralan ng aking anak. Kasama sa mga players ng badminton ang anak ko pero dapat ba naman na lahat ng gastos pati pamasahe sa pagtrainingan na lugar, raketa at iba pang gamit ay estudyante ang sasagot? Ang tanong ko para kanino ba ang ginagawa nila? Hindi lamang naman ito para sa kanilang sarili kundi para rin sa paaralan. At hindi lamang yan... ang reklamo ko sa Marian College of Baliwag... marami pa!

Isa pa sa mga hindi ko maintindihan ay kung bakit tinatawag na Educational Trip ang mga pagpunta ng mga estudyante sa mga lugar na tulad ng Star City, Mall of Asia at iba pa. Anong educational doon? Ano ba matututunan nila sa mall at star city? Sa mall ang tanging alam ko ay matututo silang gumastos at magwaldas ng pera. P1,200 ang ambagan at yun lang ang matututunan nila? Sino ba ang nagpaplano ng mga yan?

May isa pa nga akong nabalitaan na ayaw daw payagang umalis sa kanilang lyre band ang mga estudyanteng ayaw ng sumali. Ang rason nila wala na raw matitira tapos nanakot pa na kapag umalis daw sa lyre band eh hindi na raw sila makakasali sa iba pang "club" sa paaralan. Aba! Tama ba yon?

Kaya lamang hindi ko talaga maharap ang paaralang ito ay nag-aalala rin ako sa maaaring maging bunga nito sa anak ko. Alam nyo naman dito sa ating kapag nagreklamo ka kahit ikaw ang nagawan ng kasalanan ay ikaw pa ang masama... halos kapareho rin yun ng kapag gumawa ka ng mabuti ay ikaw pa rin ang masama at sisiraan ka pa ng sisiraan at sasaksakin ng patalikod.

Sasabihin naman ng iba, "Eh di sa public school mo papasukin ang anak mo!" Eh di ikaw ang magpapasok doon! Kung noong dati okey ang mga public school ngayon bukod sa sikip na eh halos wala ka pa talagang matutunan at mababarkada pa ang iyong anak. Maswerte nga kung safe ang paaralan sa mga basagulerong estudyante.

Pera...pera...pera... yan ang norm ng karamihan sa mga private schools. Sila ang mga hari at bawal kang kumontra. kapag kumontra ka ay walang papansin sa iyo o kaya ikaw pa ang patatalsikin.

Kung pag nagreklamo ka sana ay masosolusyunan agad... wala sanang problema at kung tunay nga na edukasyon ang habol nila at hindi pagkakakitaan. Bilang magulang hindi naman basta basta napupulot ang pera.

Mahalaga para sa akin ang edukasyon. At kahit nga nagkabaon-baon na ako sa utang at patuloy na sinisiraan ng kung sinu-sino dahil sa pagpursige para maging makakalikasan ang mga tao ay nagsusumikap ako na maitawid sa pag-aaral ang mga anak ko. Kahit pa mamalimos na ako!

Minsan hindi ko rin maiwasang mapagod... sa totoo lang sino ba naman ang hindi mapapagod sa isang bansang patuloy na nabubulok... at nangangarap... SANA HINDI PURO PANGARAP NA LANG... SANA MAGBAGO PA ANG PILIPINAS!

At sa pamunuan naman ng Marian College of Baliwag kung mababasa nyo man ito... HOY GISING! Aba pahalagahan nyo naman ang tunay na pag-aaral at ganun din ang inyong mga estudyante at kanilang mga magulang.

Kayo ba may karanasang ganito?




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Mananalo Ba Ang Hindi Kilala sa TV, Dyaryo at Radyo?

Mananalo nga ba ang hindi kilalang kandidato? Sa isang bansa na kung saan halos lahat ay nakababad sa gabi-gabing telenobela sa telebisyon o di kaya ay nanunuod ng balita at nag-aabang ng pinakabagong tsismis paano nga ba sa kanila maipakikilala ang isang karapag-dapat na kandidato? Paano mananalo kung hindi sila angat sa survey? Paano mananalo kung hindi sila ini endorso ng isang sikat at kilalang relihiyon?

Atin na lang tingnan ang isang linyang ito mula sa isang balita sa ABS-CBN na nagbalita ukol sa People's Primaries.

Of those in the shortlist, only Puno, Villanueva and Panlilio are figuring in the presidential surveys. And if elections were held today, none of the three would get more than one percent the votes, surveys indicate.


Dito pa lang ay pinapakita ang pananaw na kapag hindi ka angat sa survey ay hindi ka talaga mananalo. Sabagay hindi lang naman sa Pilipinas uso ang survey kundi maging sa ibang bansa lalo na sa Estados Unidos. Ang kaibahan nga lang magkaiba kung tumingin ang tao dito sa atin at sa ibang bansa.

Isa pang pipigil para manalo ang isang kandidatong bago ay ang palakasan ng "ego" o paniniwala sa sarili ng bawat kandidato. Lahat ay naniniwalang magaling sila at ayaw magbigay sa ibang kandidato. Ang daming reform candidates pero magsasama-sama nga ba sila? Sa ngayon ang mga naaaninag na reform candidates ay sina Ed Panlilio, Jesse Rebredo, Grace Padaca, Chief Justice Reynato Puno, Eddie Villanueva, gen. Danny Lim, Nicanor Perlas, Ed Dorotan, Ed Ramos, Pablo Trillana, JC de los Reyes, at Alex Lacson. Sino sa kanila ang kayang manalo?

Pero higit sa tanong kung sino ang kayang manalo ay sino ba ang karapat-dapat iboto at sino ba ang tunay na kailangan ng ating bansa?

Hindi ko sasagutin ang tanong na ito sapagka't sasabihin nyo naman ay bias ako kay Nicanor Perlas... at tama kayo bias nga ako sa kanya. Hindi ako bias dahil kaibigan o kakilala ko sya... bias ako dahil nakita ko sa kanya ang kalidad na dapat sa isang pangulo ng ating bansa.

Magagaling din ang iba pa. Si Gov. Panlilio ay binago ang Pampanga ganun din naman ang mga pagbabago at kabutihang naidulot nina Robredo at Padaca. Napakaganda ng libong naisulat ni Alex Lacson at personal ko rin siyang kakilala. Isa namang karismatiko at masigasig na lider ng relihiyon si Bro. Eddie Villanueva. Si Chief Justice Puno ay naging salamin ng moral force at kabutihang loob ng mga Filipino... kaya para sa akin lahat sila ay mabubuti... pero ang tanong lahat ba sila ay may kakayahan? Kayo na po ang sasagot dito.

Kaya bang manalo ang hindi kilala? Natural HINDI MANANALO ANG ISANG KANDIDATONG HINDI KILALA! Iboboto mo ba ang hindi mo kakilala o alam man lang ang gagawin para sa ating bansa? Natural hindi. Ang layunin ngayon ng mga naniniwala sa kanya ay ipakilala siya sa mga botante at naniniwala ako na kung talagang kwalipikado siya at may kakayahan ay iboboto sya ng mga ito.

Kaya nga lang... madaling makaloko ang mga nakikita sa telibisyon, nababasa sa pahayagan at nakikinig sa radyo. Akala natin totoong totoo pero karamihan dito ay mga pagbabalatkayo lamang.

Suriin nating mabuti ang mga kandidato at pumili ng tama... napakatagal na tayong pinaglololoko ng mga kilalang kandidato!



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Narinig Nyo Na Ba si Congressman Roilo Golez?

Napanuod ko kanina ang Oversight session ng kongreso tungkol sa performance ni Pangulong Arroyo. Dito pinag-uusapan nila ang mga nagawa ni Pangulong Arroyo sa kanyang termino dahil na nga rin sa nalalapit na huling State of the Nation Address o SONA ng Pangulo. Habang nakikinig ay napailing ako at hindi makapaniwala sa tinuran ni Congressman Roilo Golez. Ang usapin ay tungkol sa pagkawala ng mga lupang sakahan dahil sa tinatawag na land conversion. Sinabi ni Golez na ayos lang daw na maconvert ang mga lupang sakahan sa mga subdivision at iba pang industrial state dahil tanda raw ito ng pag-unlad. Hindi raw naman dapat at makatwiran na ang mga magsasaka ay magsasaka na lang habambuhay. Ano po? O sige nga po KAININ NINYO ANG MGA SUBDIVISION AT MGA INDUSTRIAL PRODUCTS NA YAN! Hindi ko maisip kung saan nanggaling ang kaisipan na yan at kung tamang pag-iisip ba ang pinaiiral... teka??? naisip ko rin baka naman inaasar lang niya si Pangulong Arroyo pero mukhang hindi naman. Sana nga mali ako.

Bukod pa rito ay may nagbigay naman ng rason kung bakit daw dapat ay 100% na ang ibigay na pag-aari sa mga dayuhan sa agrikultural na lupa. Alam nyo daw kung bakit? Kasi pag daw dayuhan ay baka raw makaya na nating lampasan ang output sa agrikultura ng Estados Unidos, Canada at Australia.

Aba teka nga po ginoong kongresista... hindi po ba halos doble doble ang laki ng mga bansang tinuran ninyo. Kahit siguro 2,000% ownership eh mukhang malabo yun. At saka sabi nga noong nandun na resource person ay subsidized ang sektor ng agrikultura sa mga bansang ito lalo na sa Estados Unidos... eh dito sa atin binabarat pa nga yan ng NFA eh.

Minsan tuloy napapaisip ako kung saang lupalop napulot itong mga tao na ito... kawawa naman ang ating bayan... gusto nila na mawalan tayo ng makakain.

Hindi po masama ang maging magsasaka habambuhay ang masama po ay ang patuloy na pagwawalambahala ng pamahalaan sa sektor na ito. Iyan po ang masama! Hindi dapat ikahiya na magsasaka ka o mangingisda.... dapat mahiya ang mga pulitiko na hindi nakikita na kung hindi ito pagtutuunan ng pansin ay WALA TAYONG KAKAININ!

Hoy Gising!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Lupang Hinirang sa Alibata o Baybayin (Philippine National Anthem in Alibata)

Nais ko lang pong ibahagi sa lahat ang natisod kong website na kung saan ay sinubukang magtranslate sa pamamagitan ng computer mula sa anumang salita papunta sa Baybayin o Alibata. Ang Baybayin po o Alibata ay ang ating katutubong panulat.

Narito po ang salin sa Baybayin ng Pambansang Awit, ang Lupang Hinirang.


Bayang magiliw,

Perlas ng silanganan,

Alab ng puso

Sa dibdib mo'y buhay.



Lupang hinirang,

Duyan ka nang magiting,

Sa manlulupig

Di ka pasisiil.



Sa dagat at bundok, sa simoy at

Sa langit mong bughaw

May dilag ang tula at awit sa

Paglayang minamahal.



Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay

Na nagniningning,

Ang bituin at araw na kailan pa

ma'y di mag didilim.



Lupa nang araw nang luwalhati't pagsinta,

Buhay ay langit sa piling mo

Aming ligaya na pag may mang-a-api,

Ang mamatay ng dahil sa 'yo.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Pagod Ka Na Bang Maging Filipino?

Sa mga nagdaang araw ay sumisingit sa isip ko ang tanong na ito... "Pagod Ka Na Bang Maging Filipino?" Naisip ko ito matapos mabasa ang isang sagot sa post na nagsabing tigilan na ang pagiilusyon na gaganda pa ang buhay sa Pilipinas pagkat matagal na raw patay ang pag-asang iyon. Wala na raw pagasa dito sa Pilipinas... at ang dapat gawin ay umalis at pumunta sa ibang bansa habang may panahon pa. Tototoo nga ba ang sinasabi niyang ito? Ikaw ba ano sa palagay mo?

Isa ako sa mga taong patuloy na naniniwala na mag pag-asa pa ang ating bansa. Sa kabila ng lahat ng naranasan ko at ng mga nakita ko naniniwala pa rin ako. Nakita ko ang mga taong gagawin ang lahat para masira ka at huwag umangat dahil gusto nilang sila lagi ang bida. Nakita ko ang katotohanan ng mga samahan dito sa ating bansa at kung paano sila hindi kikilos kung hindi sila ang magiging bida o pinaka makikinabang. Nakita ko ang hirap ng pagkuha ng tulong sa mga sangay ng pamahalaan at mga negosyo kahit pa maganda ang iyong layunin kung wala kang "backer" at pangalan. Nakita ko ang katiwalian sa media na kung saan hindi ka nila pupuntahan kung wala ka ring "backer" at pambayad sa kanila.

Pangit man ang mga ito ay hindi ko sinisisi ang Pilipinas. Hindi ko sinisisi ang bansa ko. Bakit? Sapagkat hindi naman sila ang Pilipinas. Hindi ang mga taong ito ang mga tunay na mamamayan ng bansa ko. Para sa akin hindi lang ako isang Pinoy sapagkat ako rin ay isang Maharlika. Kaya nga naisulat ko dati ang Maharlika: Ang Dakilang Lahi sapagkat naniniwala ako na malaki ang pagasa ng bansa natin. Ang artikulong iyan ay umani ng sangkatutak na kumento at pang-uuya... nagpapakita lamang kung ano ang kulturang pansarili na umiiran sa atin.

Nakakatawa man pero hindi dapat tayo manisi at magsisihan. Hindi natin dapat isisi sa iba ang mga nangyari sa atin sapagla't tayo ang dapat magsimula sa ating mga sarili. Kung patuloy tayong aasa na magbabago ang ating bansa at gagawing inspirasyon ang pananaw na iyon upang kumilos at gawin ang mga simpleng bagay para dahan dahan ay sama-sama nating marating ang bagong umaga para sa Pilipinas.

Pagod ka na bang maging Pinoy? Pagod ka na bang maging Filipino? Ayaw mo na ba sa Pilipinas?

Ako ayaw ko na rin sapagka't panahon na upang maging Maharlika. Ito ang ating dakilang lahi na dapat muling magbangon sa ating bayan.

Kailangan natin ng pagbabago hindi lamang sa mga nakaupo sa pamahalaan kundi pagbabago maging sa ating pansariling pananaw at pamumuhay.

Tayong lahat... bawat isa ang magbabago sa ating bansa.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Join Nick Perlas' Bloggers Night on July 16

Nick Perlas will be conducting a Bloggers Night and all bloggers are cordinally invited. The event is entitled "NICK WHO?!". So don't be the last to know by joining this event on July 16, 2009, 8:00pm at CYRANO ( Palanca cor. Legazpi near Greenbelt 1 and the Asian Institute of Management (AIM) ). For RSVP and to confirm attendance please contact 0917-525-1924 or e-mail anaklupa@mac.com.





Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

Entrepreneurs Get Together Through Entreplink

Sa panahon ngayon ang isa sa mga solusyon sa kahirapan at kawalan ng trabaho ay ang pagiging Entrepreneur kaya nga isang pagsaludo sa mga miyembro ng Entreplink Philippines sa pangunguna ni Peter Allan Mariano at ng iba pa. Kasama rin po ako sa grupong ito noon pang 2005 kung hindi ako nagkakamali. Nagsimula bilang isang Yahoo Groups (click dito para sumali) at ngayon ay isa nang samahan na rehistrado na rin sa Securities and Exchange Commission (SEC Registration No. CN200517721). Layunin ng Entreplink na magsama-sama at iparating sa lahat ang kagandahan ng pagiging isang Entrepreneur.... pagtutulungan at pagtangkilik sa bawat isa.

Noong June 13 ay nagkaroon ng pagsasama-sama o Get-Together ang Entreplink Philippines sa Han Wok Chinese Cuisine - Blue Wave mula 10am hanggang 1pm. Kasama sa mga pumunta sina Bong Tansioco III - AT3 Event Planning, Glen Josef Jumilla - Real Estate, Jason Estimado - Health Consultation/Pharmanex, Jack Wong - Wong Group of Companies, Rustum Maranan - Wire/Cables/Accounting/Entertainment, Anna Villanueva - Star Cove Resort/homemade perfumes, Noeh Vios - Trigo World/barakong tama/organic soap, Justin Soriano - FILBIZ business development/alternative fuels, Pid Manlapaz - accounting services, Rolly Pagaspas - Gabay foundation, Gene Lopez - organic chickens, Lawrence at Gwen Moreno - International Marketing Group/food/misc, Ariel Raymundo - Caritas Healthcare, Manuel Cantos - Bayani consulting network, at Peter Mariano - Worldnet Business Center; internet marketing.

Para sa KABUUANG BALITA bisitahin ang Blog ni Peter Mariano. Saludo kami sa inyo mga kasamang Entrepreneur. Sana makasama na ako sa susunod.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...

The Elections, Technology and YOU: A Memo t the 2010 Candidates

Una ay saludo ako sa nagsulat nito at sa kanyang blog na "Out of the Universe." Tunay nga na ang isang kagaya ni Nina Terol ay kahanga-hanga at ang mga tinuran nya ay sumasalamin sa kabuuang sentimiento ng karamihan sa mga botante ngayong 2010. Nais ko pong ibahagi ang kanyang sinulat na, "The Elections, Technology and YOU: A Memo t the 2010 Candidates" na matatagpuan sa blog na "Out of the Universe: WhyNots, What-Ifs, and other What-Nots"

ATTN: Candidates for 2010

SUBJECT: The elections, technology, and YOU

PRIORITY: Urgent

————————————————————————————————————————————————-

Dear 2010 Candidate,

With less than a year to go before the 2010 elections, we wish to offer some reminders regarding the use of digital technology and social media to win the electorate over in May.

1. Nothing is hidden now. The Hayden Kho-Katrina Halili et. al. sex video scandal proved that nothing is ever really hidden in this age of cheap technology and free information-sharing tools. Thanks to handycams, camera-enabled mobile phones, audio-recording MP3 players, Google, and practically just about every social networking site and candidate platform, it’s now easy for anyone to share and spread anything about you in a matter of seconds.

For us, the electorate, it means a tremendous level of empowerment. One reason why ABS-CBN’s Boto Mo Ipatrol Mo is enjoying such a huge take-up is that practically anyone can be a citizen journalist. Anyone with a mobile phone and Internet access can effectively capture and report information. For you, the candidate, it means that you need to be on your guard 24/7. Old ghosts will come back to haunt you; past sins will be exposed. And since the nature of social media is practically instantaneous, no amount of media pay-offs will hide what the public will want to be revealed.

Which brings us to the second point…

2. No matter how much money you spend on media, it’s competence that will shine through. The 2007 elections gave us a glimpse of a maturing electorate and also a glimmer of hope for future elections. Last elections, only eight of the Top 12 spenders made it to the senatorial line-up. In spite of their tremendous popularity, celebrities remained stars and not politicians. The voting public—and, yes, even the masses—is beginning to see through the expensive ads, the cool jingles and dances, and the popular endorsers. They’re seeing that if you’re a great athlete or actor, then maybe that’s what you should be doing instead of messing around with our already-messed-up system.

If we look at 2010 based on this premise, and then add the fact that forums, debates, and “primaries” are getting to be standard fare nowadays, you’ll realize that people will start to see beyond your soundbites and press releases. They will watch you deliver your policy statements, answer questions, interact with other candidates, and display the best (or the worst) of yourself live and in real-time. Add to that the multiplier effect of social media and you’ve got a recipe for either dazzling success or dismal failure.

At a forum organized by the Movement for Good Governance (MGG) early this month, for instance, presidentiables were asked to deliver their policy statements on education reform. The event was covered live on Twitter, so the audience could post their reactions and questions in real-time, and anyone else in tune with Twitter could keep track of the discussions through the Web. These live, online reactions were also flashed on-screen. Moreover, audience members were each given a chip with which to cast their “gut vote” at the beginning of the forum, and a scorecard with which to rate the candidates throughout the forum. We saw a marked difference between how people “voted” before and after the discussion, which indicates how voters might be viewing this whole process leading up to 2010. If you give the public enough tools with which to make informed choices, they will start to think and vote differently. Candidates will less experience, political maturity, and savvy will fall by the wayside.

3. Just because you’re on Facebook or Twitter doesn’t mean you’re cool. You probably now have Facebook or Twitter because you know that it’s the “in thing”, technologically speaking. You’ve seen how social media have helped to elect a virtual unknown as the 44th President of the United States and how Twitter and Facebook have caused such an uproar in countries such as Iran and China. You know the potentials of social networks for your own campaign and are probably even plunking in huge amounts of money just to project techno-savviness.

But, just like any other tool, technology is not the end-all and be-all of your campaign. Even Obama analysts say that it wasn’t the technology that made Obama a winner in the hearts and minds of people, it was his MESSAGE. What are you using technology for? What are you really trying to say? What have you done in the past that speak of your capability and integrity, and—more importantly—WHY SHOULD WE BELIEVE YOU?

As a political animal, I will gravitate towards politicians whose ideals, vision, and direction resonate with my own. As a social networker, I will follow political social networkers who understand the technology enough to be able to use it properly. As someone who believes in the power of political processes and civic engagement, I will support a candidate who can use technology—just like other tools—to get me involved and not merely to talk down at me.

In this day and age of technological empowerment, I will support a candidate who will treat me as a partner and a key player in the development of my own country, and not merely as a pawn to his or her political game. (And, hopefully, more Filipinos will see things in the same way.)

4. Barack Obama was his own phenomenon. Be your own. Analysts have said that US President Barack Obama is a once-in-a-generation phenomenon that will not be replicated anywhere else in the world anytime soon. American voters loved him because he represented hope in a time when everything else looked bleak and desperate. He had a message that resonated with the people and a background that showed he was capable of executing that message well.

That said, PLEASE stop calling yourself “The Obama of the Philippines” or any derivative of that. I’d rather have a candidate who can hold his or her own in a political playing field of giants, than a candidate who always needs to brand himself relative to someone else just in order to be noticed.

5. Get real. Sincerity and honesty are key. You can buy your way through success in media or technology, but you will never be able to pay enough to replicate sincerity and honesty. People will know if you work hard, play fair, tell the truth, and stick to your principles. Likewise, they will know if what you’re doing is a publicity stunt or an advertorial. You can soundbite your way to the evening news, but if what you have in your CV are empty positions and unfulfilled commitments, then you should do the country a favor: go back to private life, set up your business and consultancy, and get rich the legal way.

The Philippines, for all of its flaws, deserves a government that works for them, delivers results, and will help restore dignity and pride back to the Filipino people. If you can’t walk the talk, then technology and social media will only expose, and expose even faster, how shallow and empty you really are.

For your immediate action and compliance.

Your Board of Directors,

The Filipino People


Thanks again, Nina for this inspiring article.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Read More...